domenica 2 novembre 2008

HAVAIANAS vs SPARTANS

Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil
Pagbigkas:ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).
Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")
Malulupit na katangian at kakayahan:- Masarap isuot.- Shock-absorbent- Malambot ngunit matibay-
Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks- Mainam na pang-japorms- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa-
Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan-
Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoyOlats na mga katangian:Mahal!Mahal!Mahal!



Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines
Pagbigkas:spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
Malulupit na katangian at kakayahan:- Maaring ipampatay sa ipis- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan- Pwedeng ipamalengke- Mainam gamitin sa tumbang-preso- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno-
Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo nakadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
Olats na mga katangian:- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura-
Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa-
Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

3 commenti:

Anonimo ha detto...

Ang hirap basahin :)

eLLa ha detto...

pasenxia na po, d ko na nacheck.. ahaha.. yan ayos ko na po. ehehe ingat sir.

Mar C. ha detto...

ang saya! totoong totoo to. galing mo na gumawa ng entry ah pati tagalog kering keri mo.